For an Overseas Filipino Worker ( OFW ) - going home for good is a hard decision. Especially if you are already earning almost 4x of what you're getting in the Philippines. For me, ( opinyon ko lang po ha ) OFW is designed for singles only... i mean if you're single better for you to work abroad, wala kang maiiwanan na pamilya and walang pamilyang masisira. Now for married naman po... kung aalis ka mabuti pang magkasama kayong aalis ni misis o ni mister.
I want to share the story of this couple... who are now deciding to go home for good come June 2012. ( God's will ) If we are to combine their salary they maybe earning 600KD or even more - for ordinary workers OK na yan as in ok na talaga yan. Why i said sa ordinary worker.. kase meron naman ditong nag eearn ng more than 600kd alone ha eh kung i combine pa yun sa kita ng asawa eh di wow grabe ang laki na talaga non. But let us focus sa mga ordinary workers lang... swerte na silang masasabi diba. Hindi naman sila taga Maynila so meaning ang gastos nila sa pinas di ganon kalaki kumpara sa mga taga maynila...wala naman silang bahay na binabayaran dito since paid by the company ang bahay nila....and of course ang importante dun mga anak sila ng Diyos. Ang saya noh, ang sarap. If i were to ask you.. ngayong ganyan na ang sinasahod nyo uuwi ka na ba agad o wait muna ipon pa muna. Sa kaka sabi ntin ng ganyang tska na lang tska na lang ipon na muna etc etc aabutin na tayo ng siyam siyam d2 di pa natin maiisip na mag for good na sa pinas. Kung mag focus talaga tayo sa pera mahihirapan talaga tayong mag desisyon....God is there hindi nya tayo pababayaan. Hanga ako kay Bro. A, bilang padre de pamilya panghihinayangan din nya ang kinikita nya ngayon kung para sa security lang din ng mga anak niya ang iisipin niya. Pwedeng isa sa kanila maiwan dito, isa umuwi to be with the kids. Pero iba ito, dalawa silang uuwi. BAKIT nga ba? dahil sa LOVE dahil sa TIME. Masuwerte ang mga anak nila kase naisip yan ng mga magulang nila na hindi puro pera lang - ang kailangan natin ay time. Yung iba ang sasabihin kaya nga ako nandito para sa inyo para kumita ng malaki para may maipadala sa inyo... pero nakita ba nila ang paglaki ng mga anak nila, nakita ba nila nung unang umakyat sa entablado ang anak nila para sumayaw, tumula, kumanta or kumuha ng medalya dahil honor, nakita ba nila ang anak nila ng mag graduate, ng lumaban sa quiz bee, ng lumaban sa volleyball o basketball, nakita ba nila nung ikasal ang anak nila, ng magkaanak na din ang anak nila....ilang taon mo lang bang nakatabi sa pagtulog ang anak mo....memories TOGETHER yan ang pinaka masarap sa lahat. One thing na natuwa ako sa sinabi ni Bro. A mas maganda yung isang buong pamilya kaming lalapit sa Panginoon. Dati naman kaming galing sa wala sa negative pa nga eh - ngayon pang mga anak na tayo ng Panginoon. Hindi Nya tayo pababayaan. Ang lakas ng faith mo kapatid, saludo ako sayo. Sabi nya din, hindi kami mag babakasyon lang dun, natural magtatrabaho din kami dun. Tama! Hindi kase natin hawak ang buhay natin, maaring isa sa inyong mag asawa ang mawala na o mga anak niyo - kung kelan wala na tsaka pa ba tayo iiyak at sasabihin nating sana kasama mo ako nung nabubuhay ka pa. Pwede naman nga sana yun mangyari kung di ka lang natakam sa dolyar, sa dinar or riyals. Hindi ko naman po kinukundina yung mga inabot na ng 30 years sa ibang bansa. Pinag darasal naman yan, malay natin kaya pala hindi na sya nakauwi dahil dun siya tinawag ng Panginoon. Kagaya na lng din pamilyang nakilala ko rin dito - kung tutuusin mas ok sa America, pwede din naman silang magamit dun ng Panginoon pero bakit nga ba hindi sila makatulak tulak sa ibang bansa - dahil dito sila kailangan ng Panginoon. Besides wala naman silang anak na naiwan sa pinas - kung baga happy together sila dito. Yun ang sinasabi ko dapat magkasama ang pamilya, yan naman ang gusto ng Panginoon, that a family stays together. Bro. A at Sis. Salin, suportado ko kayo sa inyong desisyon! Syempre mamimiss namin kayo pero masaya kami para sa inyo kase makakasama nyo na mga anak nyo. Hindi nyo lang sila makikita sa webcam, o maririnig ang boses sa headset lang - harap harapan nyo ng makikita at maririnig ang mga anak nyo. Iba kung magulang mismo ang magpapalaki sa sarili nilang anak. Masaya ako para sa inyo....Godbless.
No comments:
Post a Comment