Tuesday, November 1, 2011

Ang Tickler

October 14, 2011 is a memorable day for me ang saya2 ko. Ito po kase ang unang araw na sumama sa amin sa paghayo si Naomi, my baby. Maaring sabihin ng iba na ano nman ang nagawa ni Naomi sa paghayo na ikinasaya ko para iblog ko pa...wala nga po syang ginawa pero ang presensya ng anak ko ay importante sa murang murang edad nya ay nasasabak na sya sa mga ganitong lakaran. Pasalamat ako sa Panginoon dahil isang magandang klima ang kanyang ibinigay noong araw na iyon. And fruitful po ang naging gawain dahil madami tayong nabigyan ng tracks at nasheran ng salita ng Panginoon. Pero ang main point ko po dito ay base na sa titulo na aking ginamit.... ang tickler. Bakit nga ba ang tickeler ang ginamit ko? Dahil dito namin isinulat ang mga kapatid na nabahagian natin ng salita ng Diyos. 6 na pangalan at mobile number ang naitala natin don ngunit na dahil sa gawa ng kaaway nawala po yung tickeler na ito. Ilang araw ko po itong hinanap. Monday Oct.17 ay balak ko na syang ibigay kay tita fina para po masimulan na silang twagtawagan or etext. Hindi ko na sya makita, 2 na sa aking mga kapatid ang pinagtanungan ko ng tungkol dun, pinahanap ko na sa mister ko sa kotse at baka nga kako nahulog lang Oct 21 pumunta din po ako sa photo studio na pinuntahan ko nung araw na yun at baka kako na iwanan ko naman dun. Sa madaling salita .... laman sya ng isipan ko simula ng monday. Hindi po talaga ako mapalagay dahil inisip ko sila pinangakuan ko kako silang tatwagan at etetext tapos biglang wala naman silang marereceive from us. Dumating sa puntong sinama ko din sya sa panalangin na mahanap ko yung tickler na yan. Promise napapapanaginipan ko din yang tickler na yan. Ang panaginip ko nga na huli is nahulog daw yung tickler ko sa tabi ng parang table na pinagpapalitan ko ng diaper ng anak ko. Nov 1 nagpakuha ako ng isang tissue box sa mister ko sa ilalim ng crib ni Naomi tapos sinabi niyang eto yung hinahanap mo na notebook. Ala-singko pasado po ng umaga yun habang nagpeprepare kami sa pagpasok lubos lubos po talga ang aking kaligayahan at tska ko naalala ang aking panaginip, may connection sya sa pagkakakita ng kinaroroonan ng tickler. Lord thank you talaga for answering ang prayers. You are really a God who listens.

No comments: